Napadaan lang ulit

Tama sina condensada and rapids, madali lang mag-apply ng business permit, pero depende pa rin sa place niyo. Okay mag-apply ngayon kasi walang masyadong kasabay, unlike kapag time for renewals. Last week galing ako ng DTI and nakuha ko rin kaagad iyong DTI permit ko for my new business, 15 minutes lang yata ako naghintay.
Naalala ko din iyong less dati. Nagtataka ako noon bakit iba ang timbang ng humahakot sa amin kasi tinitimbang muna namin bago kami magbenta eh weighing scale naman namin ang gamit. Iyon pala may bawas ang sako, lalo na kung marumi. Pati scrap paper (karton), may bawas din dati para daw sa moisture content.
Hay, kaka-miss din business na ito. Madalas pa rin akong mapalingon sa mga junkshops kapag nagbibyahe ako.
Regarding sa bentahan ngayon, sorry wala na talaga akong idea.