Strictly Business and Investing Discussions > What's your problem?

Sabon making..madali lang.

<< < (6/8) > >>

Laeticia:
Hello guys, nakita ko ito kanina sa TLRC Website, this might interest you :

Paggawa ng sabon na giniling na mais
Maaaring hindi pa nararanasan ng mga nagtatanim ng mais na mas madagdagan ang halaga ng kanilang ani mula sa paggawa ng sabon na giniling na mais kaysa basta ipinagbibili ang ani nila sa mga loca lna negosyante.

Sinabi ni Dr. Chutima Koshawatana, isang mananaliksik sa Nakhon Sawan Field Crops Research Center, Thailand , na maraming grupo ng mga magsasaka  sa mga probinsya ng Thailand ang gumagawa  ng sabong giniling na mais. Ang sabong ito na ginagawa sa bahay ay maaaring gamitin ng pamilya o maaaring ipagbili para sa karagdagang kita.

Ang sabong giniling ng mais ay gawa sa mataas na kalidad na mga sangkap tulad ng iba?t ibang uri ng langis ng halaman, giniling na mais, at buto ng sesame. Kaya ang uri ng sabong ito ay makinis sa balat. Ang giniling na mais ay inihahalo sa ? recipe ? ng sabon upang mapagbuti ang kalidad. Kinukuskos ng magaspang na maliliit na butil  ng giniling na mais ang dumi at langis sa balat.

Mga sangkap:

       langis ng niyog  ? 220 gramo                       

       giniling na mais ?   20 gramo

       langis ng oliba   ? 100 gramo                       

       buto ng sesame ? 2.5 gramo

       langis ng palma ?   80 gramo

       glycerin             ?  25 gramo

       lihiya                ?   73 gramo

      bitamina           ?     2 gramo

       tubig                ?  140 gramo

      pabango           ?     8 gramo

 

Pamamaraan:

Ibuhos ang lihiya sa tubig at haluning mabuti. Ilagay sa isng tabi hanggang ang temperatura ay bumaba sa 42 antas sentigrado.
Paghaluin na samasama ang langis ng niyog, oliba, at palma sa isang ?enamel? na palayok. Initin hanggang sa temperaturang 42 antas setigrado.
Marahing ibuhos an g solusyon ng lihiya sa pinaghalong mga langis at haluing mabuti. Kung ang temperatura ng pinaghalong langis ay bumaba, initin muli hanggang 42 antas sentigrado.
Haluin nang isang oras hanggang maging malinaw. Pagkatapos, ihalo ang glycerin, bitamina E, giniling na mais, at buto ng sesame. Haluin nang limang minuto, pagkatapos idagdag ang pabango.
Ibuhos ang sabon  sa mga hulmahan. Hayaan ito ng anim na oras o magdamag
Alisin ang sabon sa mga hulmahan , at hayaan sa ilalim ng nalalabing epekto ang lihiya.
Patnubay sa bago pa lang magsisimula:

Gilinging mabuti hanggang  maging pinong pulbos ang mais, kung hindi ay makapangangati ito sa balat.
Sa halip na durugin ang sesame, hatiin ito sa maliliit na piraso. Kapag dinurog ang sesame, ang langis nito ay lalabas sa buto, at ang dinurog na sesame ay kumpol-kumpol na magkakasama-sama.
Magsuot ng epron o tapi, guwantes  na goma, at pangkaligtasang salamin sa mata upang  mapangalagaan kayo sa solusyong lihiya.
Iwasang gumamit ng mga kasangkapang gawa sa aluminum o ibang metal sapagkat ang mga ito ay naaapektuhan ng solusyong lihiya. Sa paghahalo ng mga sangkap, dapat gamitin ang palayok na yari sa luwad.
Matapos na ibuhos sa tubig ang lihiya haluin kaagad. Kung hindi, mamumuo ang lihiya sa pinaghalong mga langis, siguruhin na ang temperatura ng lihiya at langis ay magkapareho.
Gumamit ng lumang dyaryo upang mapangalagaan ang ibabaw ng ginagamit na lamesa.
Ang mga hulmahan ay dapat gawa sa plastic upang mas madaling alisin ang sabon
Kung mahirap alisin ang sabon sa mga hulmahan, ilagay ang mga ito sa ayeluhan (freezer) ng tatlo hanggang apat na oras upang madaling tanggalin ang sabon.
Sa recipe na ito, makagagawa ng siyam na baretang sabon na bawat isa ay tumitimbang ng 60 gramo.
Matapos patagalin ng isang buwan, bago gamitin ang sabon, tingnan ang pH nito sa pamamagitan ng litmus na papel. Dapat ang sabon ay may pH na 8-10. (BPG)

yosup:
Richard,

Im currently working in a surfactant manufacturing company here in the Philippines.

PM me your questions...suppliers.....might help you because I've handled that raw materials before i transferred to Production.

Tama kayo guys, madali lang mag-gawa ng dishwashing soap.

the_walrus:

--- Quote from: yosup on July 21, 2006, 10:28:28 am ---Richard,

Im currently working in a surfactant manufacturing company here in the Philippines.

PM me your questions...suppliers.....might help you because I've handled that raw materials before i transferred to Production.

Tama kayo guys, madali lang mag-gawa ng dishwashing soap.

--- End quote ---

Gusto kong gumawa ng detergent powder, anu-ano po ang dapat kong gawin?

Anu-ano at saan po kaya nabibili ang mga sangkap  nito?

May nakakaalam po ba sa inyo kung paano gumawa nito?

Harmful ba sa  environment ang mga sangkap sa paggawa ng detergent powder?

Guyzen:
May mga kit na nabibili sa W-Rich kung gusto mong gumawa ng
dishwashing liquid, fabric conditioner, powder soap at iba pa. Madali
lang naman ang instruction sa kit. Pwede ka rin magbenta kung maramihan
ang gagawin mo pero mas maganda kung mag reregister ka sa kanila para
mura ang bili mo. My wife just registered in W-rich last Saturday and we are
planning to sell their products. May halo din itong networking kasi pwede kang
mag hanap ng mag reregister sa kanila para may commission ka sa mga mag pa
paregister. Mayroon ding rebate sa mga products na bibilhin ng mga downlines
mo.  If you want to learn more, you can attend their seminars. Their location
is in Arayat Cubao.

rubykiaw2:
san exact address at name ng building nila

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

[*] Previous page

Go to full version