• Log in as
  • Business Owner
  • Member

Search the:    Site    Directory

Author Topic: how to make kwek kwek coating and sauce  (Read 77846 times)

william bolivar

  • Novice
  • *
  • Posts: 36
  • Gender: Male
how to make kwek kwek coating and sauce
« on: November 19, 2007, 10:20:50 pm »
good day.  sana may makatulong sa akin paano gumawa ng coating ng kwek kwek para magiging balls ito kapag na fry at ang kanyang sauce.  salamat po.

mary jasmin

blessing_2000

  • Novice
  • Taipan
  • *
  • Posts: 1117
  • Gender: Female
  • Believe...It will happen...
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #1 on: November 19, 2007, 10:45:33 pm »
Hindi ganun ka pormal pero ito kalimitan ang ginagawa sa mga kalimitang tindahan ng kwek kwek...

kwek kwek mix

2 cups of 1st class flour
1 tbsp  baking powder
3/4 cup water
salt
ground pepper
food color (egg yellow)

Mix mo lang lahat yan pwera lang ang baking powder. Tantyahin mo na lang ang color ng mix mo. Dapat malapot yan at tyagain mong haluin lahat at dapat walang namumuong harina. Dapat malapot yan. Tantyahin mo na lang kasi makikita mo naman habang hinahalo mo. Basta wag mo muna lagay ang baking powder. Pag malapot na ay ilagay mo na ang baking powder at saka mo haluin ulit. Tapos iwan mo muna for 15 minutes.

Pwede mo na ilagay ang itlog. Isa isa lang. Pagkahulog ng itlog sa mix ay ihulma ng pabilog gamit ang kutsara. Dapat ay kakapit ang makapal na mix sa itlog. Kung hindi makapal ang mix na kakapit sa itlog ay di ok ang mix kaya magdagdag ka ng flour. Kapag nakuha na ang tamang lapot ng mix ay iprito na sa kumukulong mantika ang itlog.

Sauce

Eto ay base sa pinaka murang costing para sa sauce ng kwek kwek

Liwayway (gawgaw isang piraso ...yung nasa papel ang packaging)
4 cups of water
5 tbsp of Toyo (datu puti para dark talaga ang color)
Pepper
Sugar
Salt kung kulang pa sa alat.

Mix mo muna lahat yan sa saucepan. Pag na halo mo na ay saka mo painitan sa kalan at patuloy na haluin. Bago pa man kumulo iyan ay lalapot na yan. Patuloy na haluin hanggang sa makuha ang nais na lapot.

Lagyan ng sili bago patayin ang kalan kung gusto mong maging maanghang. Kung gusto mo ng medyo may lasa pa ay maglagay ng magic sarap.

Yan ang basic na recipe ng mga nakikita mo sa kalye. Kung gusto mo ng mas mahal pero halos pareho rin naman ng lasa...sabihin mo lang.


Blessing




« Last Edit: November 19, 2007, 10:49:35 pm by blessing_2000 »

Kuskos-Balungos

  • Taipan
  • *****
  • Posts: 1435
  • Gender: Male
  • Master Builder
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #2 on: November 19, 2007, 11:02:26 pm »
^Wow! Kwek kwek queen din!  ;D
"Be careful that you do not forget the LORD your GOD...Otherwise, when u eat & are satisfied, when u build fine houses & settle down, & when your herds & flocks grow large & your silver & gold increase & all u have is multiplied, then your heart will become proud & u will forget the LORD your GOD."

blessing_2000

  • Novice
  • Taipan
  • *
  • Posts: 1117
  • Gender: Female
  • Believe...It will happen...
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #3 on: November 19, 2007, 11:15:34 pm »

Kuskos-Balungos

  • Taipan
  • *****
  • Posts: 1435
  • Gender: Male
  • Master Builder
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #4 on: November 19, 2007, 11:28:40 pm »
^^Ma-try nga ang formula na ito for personal consumption! Personal consumption muna kung masarap talaga!  ;D
"Be careful that you do not forget the LORD your GOD...Otherwise, when u eat & are satisfied, when u build fine houses & settle down, & when your herds & flocks grow large & your silver & gold increase & all u have is multiplied, then your heart will become proud & u will forget the LORD your GOD."

blessing_2000

  • Novice
  • Taipan
  • *
  • Posts: 1117
  • Gender: Female
  • Believe...It will happen...
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #5 on: November 19, 2007, 11:36:21 pm »
hehehe..basta ayusin mo pag timpla para may lasa. yung mix na yan e ang pinaka basic na  ingredients then u na bahala mag timpla.

 :)

^^Ma-try nga ang formula na ito for personal consumption! Personal consumption muna kung masarap talaga!  ;D

william bolivar

  • Novice
  • *
  • Posts: 36
  • Gender: Male
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #6 on: November 20, 2007, 12:18:03 pm »
blessing.

good day. salamat tlagA sa sagot mo.  sige, gagawin ko ito.

God bless!

mary jasmin

Padme Amygdala

  • Part-time entrepreneur
  • **
  • Posts: 171
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #7 on: November 24, 2007, 01:57:22 am »
Yung coating na yan, pwede rin po ba sa calamares?

Kada magluluto ako ng calamares, humuhiwalay ang breading eh.  Help!
Uncertainty is inevitable, but worrying is optional.  Pain is inevitable, but suffering is optional.  Good people go through trials, but don't suffer. With that experience their life becomes better, not bitter.

blessing_2000

  • Novice
  • Taipan
  • *
  • Posts: 1117
  • Gender: Female
  • Believe...It will happen...
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #8 on: November 24, 2007, 07:13:37 am »
yan din, pero wag mo na lagyan ng food color.

Yung coating na yan, pwede rin po ba sa calamares?

Kada magluluto ako ng calamares, humuhiwalay ang breading eh.  Help!

Padme Amygdala

  • Part-time entrepreneur
  • **
  • Posts: 171
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #9 on: November 24, 2007, 05:51:36 pm »
Thank you, thank you!  Ganun lang pala yun.  ;D
Uncertainty is inevitable, but worrying is optional.  Pain is inevitable, but suffering is optional.  Good people go through trials, but don't suffer. With that experience their life becomes better, not bitter.

blessing_2000

  • Novice
  • Taipan
  • *
  • Posts: 1117
  • Gender: Female
  • Believe...It will happen...
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #10 on: November 24, 2007, 06:23:26 pm »
Oo, dapat thick ang batter para ma cover ng husto ang kwek kwek or calamares. then dapat mayroon din baking powder para umalsa ang batter kapag naluto. parang may hangin ang dating at parang malaki sya.

Paraan:

Ihulog ang calamares or kwek kwek sa batter tapos iikot ikot ng kutsara ang calamares or kwek kwek hanggang sa ma cover na ng husto saka ihulog sa kumukulong mantika. Kalimitang kapal ng batter sa calamares or kwek kwek ay .5 cm bago ihulog sa kumukulong mantika.

Kuskos-Balungos

  • Taipan
  • *****
  • Posts: 1435
  • Gender: Male
  • Master Builder
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #11 on: November 24, 2007, 09:34:39 pm »
^Precise na precise, may sukat pa sa mantika! Engineered cooking!  ;D
"Be careful that you do not forget the LORD your GOD...Otherwise, when u eat & are satisfied, when u build fine houses & settle down, & when your herds & flocks grow large & your silver & gold increase & all u have is multiplied, then your heart will become proud & u will forget the LORD your GOD."

blessing_2000

  • Novice
  • Taipan
  • *
  • Posts: 1117
  • Gender: Female
  • Believe...It will happen...
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #12 on: November 24, 2007, 10:22:11 pm »
hehehe :)

koline tongue

  • Part-time entrepreneur
  • **
  • Posts: 220
  • Gender: Female
  • SuperGirlTalker & ExtremeCosmoFan
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #13 on: November 26, 2007, 04:15:17 pm »
you can also add egg para mas masarap. kahit 1 egg lang. (for calamares)

nilalagyan ko rin ng cooking oil para hindi sya matigas kapag malamig na yung calamares/kwek-kwek.


OnlinePRandBlogContent

  • Novice
  • *
  • Posts: 16
  • Gender: Female
Re: how to make kwek kwek coating and sauce
« Reply #14 on: November 26, 2007, 04:40:44 pm »
wow thanks for sharing! :D wanna try this!