ang cwt ay ini issue ng bumili ng iyong goods or services. may mga kumpanya na required mag deduct ng cwt sa lahat ng kanilang supplier, usually top 20K corp, PEZA/BOI registered companies. at minsan naman lahat ng kumpanya ay kailangan mag deduct ng cwt sa kanilang binili na serbisyo i.e. professional fee, rental.
ang cwt ay "advance tax" na binabayaran ng mga supplier. if you are a professional (excluding general professional partnership) na nag bebenta ng serbisyo, ang withholding tax na binawas ng customer mo is actually an advance tax payment on your side.
so dahil sya ay advance tax payment kailangan mo syang i declare at i deduct sa iyong annual income tax payable, hence the name creditable.
may expiry ba? ang cwt ay dapat na i declare on on the year kapag nag file ka ng annual income tax return. naka attach dapat yung cwt sa itr. e halimbawa kung ang cwt mo ay dated year 2007, at hindi mo sya na i declare ng 2007? puede ba ba sya i declare sa 2008 itr mo? HINDI.
only those with valid certicates can be claimed.
kung nawala mo sya, e di manghingi ka ng copy sa customer mo. your customer retains 1 copy of cwt.