th images menu user export search eye clock list list2 arrow-left untitled twitter facebook googleplus instagram cross photos entrep-logo-svg

Author Topic: Papa, magkano ang sweldo mo?  (Read 3636 times)

PinoyAttractionMarketer

  • Novice
  • *
  • Posts: 10
  • Entrepreneur reader
Papa, magkano ang sweldo mo?
« on: September 15, 2015, 11:05:53 pm »


Isang araw, umuwi galing sa trabaho ang isang ama.

Alas diyes na ng gabi nun.

Pagkadating niya, gising pa pala ang kanyang bunsong anak.

Sinalubong siya nito at niyakap.

Naupo siya sa sofa at binigyan ng “tsinelas na pangbahay” ni bunso.

Habang naghuhubad siya ng medyas, nagtanong ang bata.

Bunso: Papa, magkano ang sweldo mo sa isang oras?

Papa: (nabigla sa tanong ng anak) ha, bakit mo naman naitanong yan?

Bunso: Sige na papa, sabihin mo sakin magkano ang sweldo mo…

Papa: Alam mo anak, hindi ko pwedeng sabihin. kahit nga si mama mo eh hindi niya alam kung magkano ang sweldo ko…

Bunso: Sige na papa, promise di ko sasabihin kay mama.

Papa: (nakumbinsi din). sige. sikreto lang natin to ha? ang sweldo ko sa isang oras ay P300.

(adlib: ibig sabihin, P300 x 8 oras = P2400/day ang sweldo ng ama siguro malaki ang posisyon niya sa kompanya? )

Bunso: Wow, ang laki pala!

Papa: Anak, huwag mong lakasan baka marinig ng mama mo…

Anak: Opo..oo nga pala papa, meron po akong hihilingin sayo….

Ama: Sige anak, ano yun?

Anak: Pwede po bang humingi ng P150.00?

Ama: (nagtaas ng boses) lokong bata to ah! kaya pala nagtanong dahil gusto lang humingi… yan ba ang natutunan mo sa paaralan!?

Anak: (di nakakibo ang anak.. napahiya… dahan-dahang tumayo biglang umiyak at tumakbo sa kanyang kwarto…

Ama: (naiwang mag-isa ang ama at biglang nag-isip) saan niya kaya gagamitin ang P150? baka na-addict na yun sa computer games gaya ng dota, counter strike atbp…

(maya-maya) nakakaawa naman… sige na nga pagbigyan ko na lang… biglang tumayo ang ama at kinatok ang pinto ng bunsong  anak …

Ama: Anak, o sige na, eto na ang P150 mo…

Anak: (binuksan ang pinto, nagpahid ng luha, sabik na sabik na tinanggap ang malutong na papel ng P150, tumakbo sa kama niya, inangat ang kutson...

Sa ilalim ng kutson niya eh maraming nagkalat na barya, binilang niya yun, at ng makita niyang sapat na, tumakbo siya palapit sa papa niya.

Iniangat niya ang dalawa niyang kamay, punong-puno ng pinagsamang barya at ng P150 na papel at sabay sabi sa papa niya..

“Papa, eto po ang P300. pwede ko pong bilhin ang isang oras mo at maglaro tayo?”

Moral of the story?

Mas mahalaga parin talaga kesa sa pera ang makasama mo ng matagal ang iyong pamilya.

Ok lang ang kumita ng malaki, pero kung mapapalitan naman ang kaligayahan ng iyong pamilya sa oras na ginugugol mo sa trabaho, hindi parin mababayaran ng salapi ang makita mong masaya ang pamilya mo at nakakasama mo sila.

Think outside the box.

It is better to be with your family than to be with your boss.

Free to comment if you found this post valuable.





 

Close