th images menu user export search eye clock list list2 arrow-left untitled twitter facebook googleplus instagram cross photos entrep-logo-svg

Author Topic: What is your business & how did you come up with the idea?  (Read 19105 times)

straightforward

  • Full time entrepreneur
  • ***
  • Posts: 462
  • Gender: Female
  • kikay na entrep
What is your business & how did you come up with the idea?
« on: August 19, 2007, 11:59:36 pm »
Hey entrepreneurs !
Ang layunin po ng thread ay para maging inspirasyon sa mga forumers na may layunin na maging isang sucessfull entrep. At maging tulong din sa mga existing entreps na naghahanap ng produkto o service na kakailanganin ng kanilang kasalukuyang business.
To start with:
I'm into Beauty Salon business -  I'm not a hairstylist pero lagi ako laman ng mga salons, yun ang relaxation and passion  ko. But i'm not satisfied with their service considering they charged a lot! Ang dami ko naging ideas na dapat ginagawa sa isang beauty salon para ma satisfied ang mga clients. Then naisip ko na why not a salon biz na enjoy nako kumikita pa. ha ha.  ;D 
hope you guys will share yours too! Cheers to every entrepreneurs!

the_walrus

  • Full time entrepreneur
  • ***
  • Posts: 368
  • Gender: Male
  • The cutest guy in town
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #1 on: August 20, 2007, 11:31:14 am »
Sari-Sari Store.

Iniwan lang sa akin ito ng mga magulang ko nang manirahan na sila sa US. Dati akong employee pero nag-decide na tumutok sa tindahan dahil di-hamak na malaki ang kita sa sariling negosyo.

Sa school supplies mas nakilala ang tindahan namin at sa mga laruan twing Christmas Season at mga fashion accessories.

Malaking dagdag din sa income ng tindahan ang e-loading  at pagbebenta ng prepaid cards. Sub-dealer na ako ng Smart E-load at Globe Autoload.

Nagbebenta na rin kami ng cellphones...reconditioned at brand new. Wala kaming display o stocks ng mga cellphones...mga pictures lang nila  ;D. Kapag may umorder, hinihingan namin ng downpayment yung bumibili tapos bibili kami sa contact namin sa mga Malls....syempre sa presyong wholesale kahit pa-isa-isa lang ang bili namin...nasa pag-uusap lang yan.


Internet Cafe.

Hindi naman kami talaga nagsimula sa mga PCs. May "prosesong"
dinaanan bago kami napunta sa negosyong internet cafe.

Eto ang kwento nyan:

Di ba may sari-sari store kami? At twing pasko ay marami kaming laruang tinda? Dyan nagsimula ang lahat...tandang-tanda ko pa.... :D (parang drama sa radyo...yung Guhit ng Palad Ko).

May tinda kami noong bagong labas na laruan....yung Family computer na may built-in games na. Nung una naka-display lang ito. Walang pumapansin...lalo na't may kamahalan ang presyo kumpara sa ibang mga laruang tinda namin.

Isip-isip kami kung paano ipauubos ang stock ng family computers.

Ang naisip naming mag-asawa ay i-demo sa mga customers kung paano ba ito nilalaro.

Ayun na! Nagustuhan ng mga bata. Bawat bata gustong sumubok. Pinipilahan ang aming munting "demo".

Dun ko nakita ang isang oportunidad. Ipapa-renta ko ang mga family computers na ito. P5.00 per fifteen minutes (P20 per hour). Yung libreng "demo"nagkaron ng bayad pero pinipilahan pa rin. Namumutiktik sa mga bata ang harap ng tindahan namin....araw-araw...buong maghapon.

Kaya sinabi ko sa mga bata na "bukas doon na tayo maglalaro sa garahe namin". Bumili agad kami ni misis ng 2 surplus TV at nadagdagan yun hanggang naging sampu. Hindi na namin ibinenta ang mga stocks naming family computers...pinarentahan na  lang.

Yung family computer sa paglipas ng panahon ay unti-unting nalalaos....lumipat kami sa Playstation....tapos Playstation 2. Hanggang mapunta na nga kami sa mga PCs. Naging Internet Cafe na yung dating family computers.

Maganda ang kita sa ganitong negosyo kaya naman parang mga kabuteng nagsisulputan ang mga i-cafes!  ;D


Lending Business.

Nilapitan lang ako ng isang nagta-trabaho sa isang pabrika dahil naghahanap daw ng mauutangan ang mga contractual employees nila. Dati na silang may nauutangan pero napakataas daw ng hinihiniging interest.

Tinanong ko sila kung magkano lang ba ang kaya nilang ibayad na interest. Sinabi naman at pumayag ako.

Maganda ang kita sa pagpapautang. Kaya lang meron talagang mga nagpapalusot. Ang nararanasan ko ngayon ay yung mga contractual employees na magre-renew ng utang tapos kapag nabigyan ko na, hindi na pala papasok sa pabrika. Wahhhh!  :'(

Pero, hindi pa naman ako nalulugi, so far. Ayos pa rin ang kita.

Food Cart

Tinda namin Hamburgers, Fries, Footlong Hotdogs, Fried Chicken Skin at Chicken Neck. Malakas noong una. First month pa lang bawi na ang puhunan ko.

Tapos unti-unting humina. Hindi pa naman nalulugi...kumikita pa rin pero lubhang napakaliit na ng kinikita na baka sa katagalan ay mauwi sa pagkalugi. Nagpasya akong ihinto muna. Nag-iisip ako ng ibang maititinda...ayoko na muna ng Burgers at hotdogs. Makikiramdam muna.....maghahanap ulit ang mga presko at bagong ideya na pwedeng magaya.  ;D

Yung cart ko ay balak ko parentahan...P100 per day. May nakakakursunada na pero hindi pa makapag-decide.




« Last Edit: August 20, 2007, 01:05:24 pm by the_walrus »

czekloy

  • Guest
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #2 on: August 20, 2007, 03:07:41 pm »
I currently have 2 pending business ideas. Yung isa sisimulan ko na this August at yung isa medyo nasa canvass pa. :) As to what it is hindi ko muna sasabihin. :D hehehehehehehe...

As to where I got the idea, again kopya lang din sa US. :) I just have to be more imaginative and innovate in implementing the ideas.


Cheers,

DAVE AGUILA


Hey entrepreneurs !
Ang layunin po ng thread ay para maging inspirasyon sa mga forumers na may layunin na maging isang sucessfull entrep. At maging tulong din sa mga existing entreps na naghahanap ng produkto o service na kakailanganin ng kanilang kasalukuyang business.
To start with:
I'm into Beauty Salon business -  I'm not a hairstylist pero lagi ako laman ng mga salons, yun ang relaxation and passion  ko. But i'm not satisfied with their service considering they charged a lot! Ang dami ko naging ideas na dapat ginagawa sa isang beauty salon para ma satisfied ang mga clients. Then naisip ko na why not a salon biz na enjoy nako kumikita pa. ha ha.  ;D 
hope you guys will share yours too! Cheers to every entrepreneurs!

« Last Edit: August 20, 2007, 03:19:36 pm by czekloy »

the_walrus

  • Full time entrepreneur
  • ***
  • Posts: 368
  • Gender: Male
  • The cutest guy in town
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #3 on: August 20, 2007, 03:59:00 pm »
Eto pa ang isang negosyong matagal-tagal ko na ring pinupuntirya.

Ngayon lang, as in ngayong araw lang na 'to, nagkaroon ng butas para makapasok ako at mga partners ko dito.

Buying of Scrap Metals sa mga pabrika. Mukhang okey 'to pagkakitaan. Maraming pabrika dito sa paligid-ligid ng lugar namin.

Ako ang mamumuhunan....yung mga partners ko, they did the dirty works 'ika nga....sila ang naghanap at ang naka-contact sa pabrikang nagbebenta ng mga scraps.

May bidding pa dito. Nag-submit na kami ng bid namin. Pero sabi ng partners ko malaki ang tsansa naming manalo sa bidding kasi may kontak nga kami sa loob. "May inside info".... ;D

May dati nang humahakot ng scraps doon pero mukhang nagkaroon ng di-pagkakaunawaan yung humahakot at yung namamahala sa pag-di-dispose ng scraps.....kaya ayun, kinontak kami at pinag-submit ng Bid namin. Tinaasan namin ng Piso kada kilo kumpara sa presyo ng dating humahakot sa kanila ng scraps.

Kapag nanalo kami sa bidding, kami na ang eksklusibong hahakot ng lahat ng scrap metals nila....buwan-buwan.

Hindi po kami magtatayo ng junk shop, ha!

Hindi na namin kailangang ipunin ang mga scraps na bibilhin namin dahil ang mahahakot naming scraps ay idederetso na namin sa tunawan ng mga bakal. Aarkila na lang kami ng ten-wheeler truck o six-wheeler truck (depende sa volume ng hahakutin) para sa paghahakot. Malapit lang din sa lugar namin ang kumpanya ng tunawan ng bakal.

« Last Edit: August 20, 2007, 04:04:58 pm by the_walrus »

keneth

  • Full time entrepreneur
  • ***
  • Posts: 412
  • Gender: Male
  • need extra income? pm me for details
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #4 on: August 20, 2007, 06:17:13 pm »
dami naman business ni ka WALRUS  :o :o :o
kakahanga naman. ;D
galing, idol.

straightforward

  • Full time entrepreneur
  • ***
  • Posts: 462
  • Gender: Female
  • kikay na entrep
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #5 on: August 20, 2007, 08:40:34 pm »
saludo talaga ko kay the_walruz. oozing with business ideas!  ;D

eto pa isa kong biz.   Beauty Salon Supplies & Equipment Supplier.
since medyo dumami na branch ko and ang laki ng kiknikita sakin ng mga suppliers na walang ginawa kundi price increase kahit bumababa ang dollars, naisip ko magtayo nalang. 2 birds in one stone ika nga ;D I am a supplier narin sa mga maliliit na salons.
Mas mura nag products ko compare sa mga bigtime corp suppliers since halos wala akong overhead na ipapatong pa sa price ng product.

koline tongue

  • Part-time entrepreneur
  • **
  • Posts: 184
  • Gender: Female
  • SuperGirlTalker & ExtremeCosmoFan
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #6 on: August 21, 2007, 03:00:10 pm »
scrap papers- got the idea here in our office. kase nga we're ISO certified so lahat ng basura segregated. then i observed na lagi silang nagbibiyahe ng papel. so i asked our office kung saan nagbebenta ng papel. tas hayun! tuloy-tuloy na. karamihan ng schools dito sa  amin nagbebenta na kase higher ng 1 peso yung bili namin. pag nagdeliver si hubby sa planta ng papel may backload naman syang tissue paper...tas benta ulit sa mga schools at offices na kinukuhanan nya ng papel ;) ganun lang ka-simple.

soft ice cream- mahilig kase ako sa ice cream ;D

food cart- burgers, hotdogs, footlong, nestea, juice etc etc. - favorite ng eldest ko to ..that's why ;D

japanese cakes- nakita lang ni hubby yung cart habang naglalakad. he contacted the owner ng mga moulders. pinahiram nya kami ng gamit pero sa kanya kami kukuha ng mix ...hayun! intant 7 cart ang binigay sa amin. we're lucky coz hawak namin northern part ng province, southern part yung hawak ng may-ari ng moulders.

tindahan-karamihan kase nasa school yung mga cart ko, so naiisip ko na kelangan ko ng paglilibangan pag summer, sem break, xmas break etc. saka kawawa naman mga tauhan ko wala silang sweldo. kaya naghanap ako ng magandang puwesto sa palengke ;) location:kanto ng palengke. lahat ng puwedeng ibenta nandito...hehehe...tapsi, lugaw, pansit-kanin, calamares, ihaw-ihaw sa hapon etc.


yan lang muna...



warrick

  • Part-time entrepreneur
  • **
  • Posts: 138
  • Entrepreneur reader
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #7 on: August 22, 2007, 10:50:04 am »
wow! i like this thread... inspiring!

straightforward

  • Full time entrepreneur
  • ***
  • Posts: 462
  • Gender: Female
  • kikay na entrep
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #8 on: August 23, 2007, 12:56:55 am »
glad that you like the thread :) share ka narin ng biz mo warrick

MORGAS

  • Novice
  • *
  • Posts: 41
  • Gender: Male
  • more gaas
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #9 on: August 23, 2007, 01:31:06 pm »
dating marino,almost 7yrs ng tumigil.,

sa ngayon nasa eloading biz traditional lang almost 5yrs na rin,medyo maraming kalaban kaya medyo patingin tingin na lang dito sa entrepz,dito sa area ko ok lang so far nakakaquota pa rin sa mga sariling retailers.

buy and sell ng lupa sa province pag nagkapera pero medyo concentrated ako ngayon sa nabili naming bukid palayan,maganda ito kong may pera ka lalo biyenan ko rin ang agent ko. i bought this last few months ago for 1.2M, pero sa tutuo ang naging puhunan ko lang dito is around 27k ng binili ko isang lot sa sub sa province ng misis ko 11yrs ago, after 4yrs nabenta ko ito ng 120 grand at bumili ng panibago worth 135k nagdagdag lang ng konti,after nearly seven years nbenta ko naman iyon f0r 1.1M at binili nga itong bukid for 1.2M based sa previous owner naghaharvest ito around more than a hundred cavans of rice.

may benebenta kami ng misis ko ngayon most probably sa mga tiga bataan lang siguro kasi doon located ang area
3,958sq.mtr of agri lot for 300k negiotiable
9884 sqmtr of agri/industrial lot for 900k malapit lahat ito sa SIBUL spring good for resort

sa kay misis naman ticketing more sa international flight try nyo baka mas mababa sa kanila
she is working in SAUDIA airline siempre IATA. just pm  kong may interested.
 
coming soon :  baka bigas pag maka ani na by OCtober hehehe.... ;)

straightforward

  • Full time entrepreneur
  • ***
  • Posts: 462
  • Gender: Female
  • kikay na entrep
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #10 on: August 24, 2007, 02:17:22 am »
hats off to Morgas !
I will pm you, I'm interested to put a rice store sa pasig market, aabangan ko harvest mo sa october :D
thanks for sharing

leena

  • Novice
  • *
  • Posts: 4
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #11 on: August 24, 2007, 09:46:58 am »
Hi!
Sa kin po food business. We deliver brownies & cakes sa mga offices.
It started 3 years ago. I really love to bake and try new recipes. Birthday ng hubby ko ng 2004. i bake some goodies para madala nya sa office. Dun na nag start. Yung mga officemates nyang naka tikim nag orderan na. tapos word of mouth medyo kumalat na. may mga order na din from other offices.

Si hubby sideline nya pag nenetwork ng mga computers.

straightforward

  • Full time entrepreneur
  • ***
  • Posts: 462
  • Gender: Female
  • kikay na entrep
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #12 on: August 27, 2007, 09:13:28 pm »
thanks for sharing leena :)
pm naman ng mga goodies mo and pricelist, wanna try your specialty...
congrats sa biz mo!

straightforward

  • Full time entrepreneur
  • ***
  • Posts: 462
  • Gender: Female
  • kikay na entrep
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #13 on: September 03, 2007, 12:53:11 am »
thanks/
inviting all entreps to share their business here.  other entreps might need your product/service

czekloy

  • Guest
Re: What is your business & how did you come up with the idea?
« Reply #14 on: September 03, 2007, 07:34:58 am »
Hi! My newest business is in line with advertising. The name is AGUILA ADVERTISING. Of course, derived from my family name, Aguila, na ayaw ipagamit ng tatay ko. :) But, hey... it's my name also and I want to use it... :)

The objective of my advertising business is to give an effective and affordable platform where micro/small enterprises as well as salespeople can advertise and for the big businesses to have a supplementary platform for their current advertisements.


Important Reminder:
- If you guys have friends or kakilala's who want to be a part-time/full-time home-based account executive (commission based), please tell them I'm in need of account executives. Just simple email their resume at my email address below.


Cheers!!!

 

Close