th images menu user export search eye clock list list2 arrow-left untitled twitter facebook googleplus instagram cross photos entrep-logo-svg

Author Topic: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY ( and other details)  (Read 83652 times)

mewithnix

  • Novice
  • *
  • Posts: 13
BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY ( and other details)
« on: November 07, 2007, 01:48:28 am »
magkano po b tingin nyo pasahod sa magbabantay? tatlo po siguro ang magpapalitan... dko ksi alam kung magkano papasahod ko ksi nagpaplano na akong magtayo :) may narinig ako 150 dw sa 8 hours tpos ung iba sobrang baba pa don.. gusto ko nmn mdyo hindi agrabyado ung tao ko pero tatakot ako baka hindi naman kayanin kaya sana tamang tama lng :) tnx po...
« Last Edit: November 13, 2007, 08:14:02 am by blessing_2000 »

the_walrus

  • Full time entrepreneur
  • ***
  • Posts: 368
  • Gender: Male
  • The cutest guy in town
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #1 on: November 07, 2007, 03:14:07 pm »
Ang pasahod ko dati sa tindera ko ay P50 lang (4-5 hours....5pm to 9pm...minsan hanggang 10pm).....pero pag-uwi nya (sa likod-bahay lang namin nakatira) may bitbit syang kanin at ulam (good for three) para sa pamilya nya. Ang pwesto ng foodcart ay sa harap lang ng bahay ko.


Liit lang kasi ng tubo sa Buy 1 take 1 burgers....sino ba kasi ang nagpa-uso nyan (P10 each na burger) ?

Sa patties pa lang ay P5 na puhunan....eh, yung hamburger buns pa (1.75 each), yung plastic, yung ketchup, yung mayonnaise, yung  mantika, yung LPG, yung sweldo ng tindera?.....siguro hindi ka na tutubo  ng piso kada burger na maibebenta.

Sa french fries lang talaga ang maganda ang kita. Kaya lang andaling pagsawaan ng mga tao ang patatas na piniprito.  :D

Sa ngayon huminto na ako sa pagtitinda nito (3 months na yata ako hindi nagtitinda).

Pero baka simulan ko ulit this month. Nag-hire ako ng isang househelp na gagawin kong tindera ng burgers....stay-in.

Bukod sa burgers at footlong hotdogs ay nagtitinda rin ako ng Fried Chicken Neck at Chicken skin....hirap lang ng supply sa chicken skin....agawan kasi sa palengke at limitado lang talaga ang supply.

Type ko rin itinda yung "calamares"  kaya lang may formalin daw ang mga pusit na imported....wag na lang! Hindi ko ipapakain sa mga customers ko ang pagkaing ayaw kong kainin.


« Last Edit: November 07, 2007, 03:19:50 pm by the_walrus »

mewithnix

  • Novice
  • *
  • Posts: 13
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #2 on: November 07, 2007, 06:31:47 pm »
naku iba pong klaseng burger ung sa inyo... ibang strategy siguro... gusto ko po sana ung 24 hrs tulad ng angels burger... mahal ng patties nyo :( medyo pinanghihinaan ako sa mga sinabi nyo pero tingin ko nmn kaya kasi tlgang kumita don... sana may sumagot pa pong iba at magdagdag nrin ng iba pang tips tungkol sa pagtatayo nito.... tnx na rin po :)

the_walrus

  • Full time entrepreneur
  • ***
  • Posts: 368
  • Gender: Male
  • The cutest guy in town
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #3 on: November 08, 2007, 01:00:19 am »
Sasagot lang ako ulit,ha!  :D

Ibig mo bang sabihin yung patties na gagamitin mo ay mas mura pa kaysa sa P5 each patties na ginagamit ko?

Hmmmm.....anong brand ba nyang patties na gagamitin mo?

CDO ang patties na gamit ko dati...sa lahat ng nasubukan ko ay 'yun ang pinamakasarap...may mas mura pa kaysa sa CDO pero hindi masarap.

Kayang-kaya  kumita kung kita ang pag-uusapan...kaya nga lang ay lubhang napakaliit na ng kita para masabi nating sulit ang pagod.

Eto naman ay kung burgers lang ang pag-uusapan. Liit talaga ng kikitain kung Buy 1 Take1 ay P20 lang....bale lumalabas na P10 each, di ba?

MAg COSTING ka....kwentahin mo lahat ng puhunan mo para malaman mo talaga kung magkano ang kikitain mo.

Kaibigan ko ang may-ari ng MINUTE BURGER dito sa lugar namin....sabi nya sa akin ay  nalulugi din sya sa Buy 1 Take 1 burgers nila....bumabawi na  lang sya sa ibang produkto.

Kaya ako, nagbebenta rin ng french fries, fried chicken neck at chicken skin ( malaki tubo sa mga yan) para masulit naman ang pinagpapaguran ko.

Isa pa na dapat mong bantayan sa ganitong negosyo ay ang mga tinapay....2 days lang ang tinatagal ng tinapay...kapag mas matagal pa dyan ay maluluma na ang mga ito at hindi na masarap kainin. Kapag nalumaan ka ng tinapay....lugi ka na!


Hehehe...hindi kita dini-discourage na pasukin ang ganitong negosyo.....magkwenta ka muna (costing) para malaman mo ang sinasabi ko.
 
Base sa experience ko, hindi ka kikita ng maganda kung buy1 take 1 burgers lang ang tinda mo. MAg-isip ka ng iba pang ititinda na kasabay ng buy 1 take 1 burgers...I suggest na subukan mo rin magtinda ng Waffle.....mababa lang ang cost....mas maganda ang tutubuin mo.


Eto namang mga sinasabi ko ay applicable lang sa kaso ko. Siguro hindi maganda ang location ng business ko kaya ganito.

Kung maganda ang location mo at masasabing dudumugin talaga ng mga tao...ibang usapan na 'yan.

Sabi nga ng mga business gurus, 3 bagay lang ang importante sa mga negosyo.: LOCATION, LOCATION, LOCATION.

Goodluck!


« Last Edit: November 08, 2007, 01:05:36 am by the_walrus »

mewithnix

  • Novice
  • *
  • Posts: 13
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #4 on: November 08, 2007, 03:43:00 pm »
tnx po... sana may magreply pa po na iba para naman may iba pa akong makuhaan ng idea.. :) salamat!

fidelity

  • promo/souvenir bags maker, made of katsa or canvass
  • Part-time entrepreneur
  • **
  • Posts: 164
  • Gender: Female
    • http://fidzbar07.multiply.com
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #5 on: November 08, 2007, 04:55:43 pm »
makasabat na nga po......

sa pagkakaalam ko ung tinapay pede  mo sya istore sa ref para di agad masira it could last for 5dyas to 1week.

the_walrus

  • Full time entrepreneur
  • ***
  • Posts: 368
  • Gender: Male
  • The cutest guy in town
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #6 on: November 09, 2007, 12:45:31 am »
makasabat na nga po......

sa pagkakaalam ko ung tinapay pede  mo sya istore sa ref para di agad masira it could last for 5dyas to 1week.

Uy! susubukan ko yang suggestion mo. Yan talaga ang problema ko ...yung nalulumaan ng tinapay lalo na yung para sa footlong hootdogs na hindi masyado mabili kumpara sa burgers.

Baka next week ay magsisimula ulit ako magtinda.

optimusbear

  • Novice
  • *
  • Posts: 34
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #7 on: November 09, 2007, 08:03:08 am »
elo.. san ka mag tinda walrus? tanung ko lang pala what if gumawa ako ng sariling cart ko tapos ipwesto ko for example sa tabi ng plaza dito sa probinsya namin pwde ba yun? i mean kailgan pa ba ng permit nun?!

fidelity

  • promo/souvenir bags maker, made of katsa or canvass
  • Part-time entrepreneur
  • **
  • Posts: 164
  • Gender: Female
    • http://fidzbar07.multiply.com
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #8 on: November 09, 2007, 10:42:38 am »
makasabat na nga po......

sa pagkakaalam ko ung tinapay pede  mo sya istore sa ref para di agad masira it could last for 5dyas to 1week.

Uy! susubukan ko yang suggestion mo. Yan talaga ang problema ko ...yung nalulumaan ng tinapay lalo na yung para sa footlong hootdogs na hindi masyado mabili kumpara sa burgers.

Baka next week ay magsisimula ulit ako magtinda.

yep.....thats what we do din sa breads namin sa bahay......kasi one time i saw it on tv  :).....pag effective dapat may free burger ako ha...hehehehe...goodluck walrus!

san ba store mo?

koline tongue

  • Part-time entrepreneur
  • **
  • Posts: 184
  • Gender: Female
  • SuperGirlTalker & ExtremeCosmoFan
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #9 on: November 09, 2007, 05:31:59 pm »
thanks for the tip, fidelity. problema ko din yan sa tinapay. may burger-an din kase ako pero P15 each. di ko kaya yung buy 1 take 1 na nisasabi nila. pwede siguro pandelito yung tinapay, tapos half yung patties...hehehe

CDO din gamit ko. yung 9pcs for P31 pesos kaya P3.44 lang.

Querinna

  • Novice
  • *
  • Posts: 55
  • Gender: Female
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #10 on: November 09, 2007, 08:06:40 pm »
hi everyone..

nagtataka ba kayo kung baket mura ang bentahan ng burgers (BOTO or Buy 1, Take 1) lalo nat unbranded ang patties? kasi mas malaking % na extender ang gamit nila.. ano klaseng extender? meron gumagamit na, giniling na balat ng saging (maraming gumagawa nito) patatas etc etc.. konting pampalasa.. ayos na buto buto..

nung nagtinda ako sa sementeryo namin, isang pagitan lang ang pwesto yung nagtitinda ng BOTO burgers.. observe ko sya, madami rin bumili, pero kung susumahin mo ang kita nila.. parang pagod lang ang hanap nila.. di ba.. bayad sa pwesto, tao, raw mats, gas.. pero ganon pa man..hangad kong kumita nga sila..

:)


mewithnix

  • Novice
  • *
  • Posts: 13
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #11 on: November 10, 2007, 02:25:52 am »
aYan.. may nakakaalam na tungkol sa buy 1 take 1... siguro konting tiis  pa sa pagaantay ay may makukuha na akong magandang information tungkol dito... :) wag nyo po mamasamain pero desidido tlga akong itayo ito pero syempre inaantay ko prin ung ibang meron talagang sapat n kaalaman tungkol sa negosyo na ito... sana nga lng ishare... lalo na ung nakakaalam ng diskarte ng angels burger :) kahit ipm nlng po ako ay ok nrin...  tnx!!!

mewithnix

  • Novice
  • *
  • Posts: 13
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #12 on: November 12, 2007, 03:44:40 am »
waaaaaa dami na pong nagview pero wala ng nagrereply... sana nmn po tulungan nyoko... tnx...

blessing_2000

  • Novice
  • Business guru
  • *
  • Posts: 664
  • Gender: Female
  • Believe...It will happen...
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #13 on: November 12, 2007, 05:17:52 am »
Nung time na nag buy one take one ako  ay napababa ko ng P15.00 ang buy one take one. Meaning 2 burgers at P15.00 na sya. Tabi lang ako ng school at 8 am to 8 pm lang store operation ko. Stay in ang tindera kaya ang pa sweldo lang ay P2,000 at dalawa sila. Libre kain at kuryente, tubig at bahay.

Kinaya naman sa ganung halaga dahil minsan ako ang gumagawa ng patties pero may suporta pa rin ng supplier ko in case na hindi ko makayanan gumawa ng patties dahil sa isang araw ay nakakabenta ako ng 50 packs ng buns. Bale 50 packs x 6 pcs of buns = P300 burgers. Isipin na lang na RC lang ang ma add on sale sa burger ko at sa bawat RC ay may piso ako ay dagdag tubo pa rin. French fries lang ang dagdag produkto ko noon at cheese (kung gusto ng cheeseburger) kasi kapag dinagdagan ko pa ang produkto ay sila sila mismo ang maglalabanan at baka mamaya ay sarili ko pang produkto ang humina dahil sa dami ng produktong pwedeng pagpilian.

Kung mag buy one take one ako ulit gamit ang luma kong strategy at luma kong brand ng mga produkto ay tyak na kikita pa rin lalo na at P20.00 na ngayon ang buy one take one. Ito pa rin ang presyo ng mga sumusunod na produkto:

Patties - P 25.00 (8 pcs)  yes 8 pcs sya. yan ang pinagkaiba dahil sa iba ay 6 pcs lang.

Buns  - P12.00 ( 6 pcs) dati nung panahon ko ay kaya ko pang kunin ng P9.00 ang isang pack.

Banana Ketchup - P70.00 ( 1 gallon) dati kaya yan ng P55 to P60 per gallon. 300 burgers ang kayang gawin ng isang galon basta ang gagawin mo ay ilagay mo yung ketchup sa sauce container at gumawa ka ng 5 lines ng ketchup sa pag dress mo sa buns. Pag consistent ka sa ganung gawain ay hanggang 300 buns ang kaya mong malagyan.

Mayonnaise - P200 (3.75 liters) dati ay P180 lang. Ang mayonnaise naman ay kayang gumawa ng 300 burgers pa rin PERO kung ang ketchup ay 5 lines sa pag dress ang mayonnaise naman ay 3 lines lang.  Paalala sa pagpisil sa sauce container. Kailangan light lang pagpisil at bilisan ang paglinya sa burger buns para hindi makapal ang mailagay ninyo.  Sa extra shot ng mayonnaise ay singilin nyo na ng piso.

Burger wrapper - P18.00 (100 pcs) pag wholesale sa Divisoria ay mas mababa pa ito ng dalawang piso.

Sando Bag - P8.00 (100 pcs) wholesale price na yan sa divisoria

Tissue - P60.00 yan na yung party pack na di naman ganun kagandahang tissue pero pang buy one take one ang quality.

Hot sauce- P70.00 per gallon. Optional na ito kung gusto mo lang.

Mantika - Tumingin sa pinakamalapit at pinakamurang palengke.

LPG - Depende magkano sa lugar nyo. Tip ko lang ay sa araw araw kong pagtitinda dati na ang 50 packs ang naibebenta ko ay umaabot naman ng 1 week ang LPG ko bago ako magpalit. Take note nga pala dahil kapag isang piraso lang ang biniling burger at hindi buy one take one ay P12.50 na ang singilin mo. Dahil malulugi ka sa gas. Dapat isang run ay dalawa or higit pa.

Lease/Rent - Ikaw na makapagsabi nyan.

Tindera - Back to the problem ulit :D  Tingnan mo costing mo at tingnan mo ang makayanan mo sa pag pa sweldo. P150 for 8 hours is ok na. Wag mong isipin  ang sasabihin ng tao at ng kunsensya mo dahil mababa ang pa sweldo mo. Tama lang ang P150 a day para sa buy one take one burger. Malinaw mong tingnan ang nasasaad sa costing mo at sa tunay na kakayanan ng magiging business mo kung ayaw mong maapektuhan ang takbo ng magiging negosyo mo.

Nagdagdag rin ako ng COLESLAW dati at may extra P2.50 charge sa bawat burger with coleslaw. Wag mo na pahirapan ang sarili mo sa pag iisip ng proseso ng coleslaw dahil simple lang ito itago at idagdag sa burger. Laging maghanda ng repolyo at carrots sa ref. Sa isang container ay maghanda ng alam mong sapat lang na mabibili sa loob ng 4 na oras. Maghiwa ng repolyo at ng carrots. Lagyan ng konting asin at konting asukal na may konting konting white pepper. Haluan ng konting mayonnaise at oks na yun as coleslaw. Wag ka na mag isip pa ng ibang proseso dahil sa pang buy one take one ang coleslaw na ilalagay mo. Normal lang yan. ang importante ay maging malinis lang sa bawat bagay na gagawin mo sa store mo.

Tungkol sa buns na nilalagay sa ref, subukan nyo ilagay sa freezer dahil kapag sa freezer nilagay ay maiiwasan ang paglagkit ng tinapay kapag ito ay tumagal. Kapag sa freezer inilagay ito nga ay titigas pero maglaan ng ilang oras para ito ay ma thaw. Then pwede na itong gamitin. Kapag sa simpleng ref lang ay maaaring maiba pa ang shape ng buns dahil walang mag suporta dito. Iwasan lang na mapatagal sa freezer ang buns dahil kapag ito ay na thaw at nailagay na sa burger grill, maaari naman itong mapulbos ( crumby) Iwasan din ang pagbili ng buns na may sesame seed. Nakakadagdag lang ang sesame seed sa madling pagsira ng buns. Dagdag costing pa.

Pero hindi dahil mura ay kikita na dahil marami ang bibili. Minsan kapag tutuusin mo ay halos pareho lang kita ng buy one take one burger at ng isang mahal na burger. Case to case basis na lang. 5:1 ang ratio ng tubo at kitaan ng buy one take one burger compare sa isang regular burger. Kailangan mo makaluto at makabenta ng 5 burger (buy one take one type) para kitain ang isang regular burger na nasa regular costing. Minsan nga kaya pa ang 10:1 depende na lang gaano talaga kasarap ang isang regular burger na gagawin mo.

Hindi na ako nag buy one take one burger ngayon. Inasa ko kasi ang pagtitinda ng buy one take one burger sa tindera ko dahil hindi lang ito ang ginagawa ko dati. Hindi ito nalugi kaya nawala. Mahabang istorya lang. Anyway, goodluck sa iyo at kung nandito sa business na ito ang puso mo ay siguradong magtatagumpay ka. Huwag yung dahil uso lang. Kung may June 2006 edition ka ng entrepreneur magazine ay makikita mo dun ang simpleng set up na sinasabi ko. Kahit ganun ka simple ang set up ay mabili sya. Hindi naman nag reklamo ang summit media guys after nilang kainin ang buy one take one burger ko :D :D :D


Ayan napa nobela na yata ako sana ay nakadagdag ito sa kaalamang iyong hinahanap.


Good Monday morning! ;)


Blessing
« Last Edit: November 12, 2007, 05:51:15 am by blessing_2000 »

mewithnix

  • Novice
  • *
  • Posts: 13
Re: BURGER BUY 1 TAKE 1 SALARY
« Reply #14 on: November 13, 2007, 02:06:09 am »
tnx po!!! blessing k nga tlga... :) samantalahin ko n po... pde po b malaman recipe mo? khit pm nyo nlng po.... hehehe... tvp po ba extender mo? :) kung meron pa pong iba reply prin po kyo! masmarami masmaganda para masmadaming pagbabasehan :)  maraming salamat!

 

Close