th images menu user export search eye clock list list2 arrow-left untitled twitter facebook googleplus instagram cross photos entrep-logo-svg

Founder Socorro Ramos Spent Only Php200 To Open National Book Store

A rare Q&A with a true icon of Philippine retail
By Paul John Caña |


 

 

Socorro Ramos was all of 19 years old when she and her husband Jose opened a small sari-sari store along Avenida, Rizal in Manila. This was the beginning of National Book Store. Today it is the country’s largest retail chain of bookstores and school and office supplies.

 

Nanay Coring, as she is known to the National Book Store family, won the prestigious Ernst and Young Entrepreneur of the Year award in 2004. At 94 years old, the founder is still active and sharp. She recently sat down for a brief chat with Entrepreneur Philippines where she talked about the beginnings of her retail business, how she feels about franchising National Book Store and what she thinks is the most important lesson she can teach younger entrepreneurs.

 

 

Let’s talk about National Book Store.

Nanay Coring: Oh my goodness. It was 1942.  Japanese time. Susmaryosep. Nakalimutan ko na yata.

 

 

75 years na po ang National Book Store this year. Ano pong sikreto ninyo?

Hard work. Kailangan practical hard work, patience and perseverance. We started doon sa Avenida, Rizal. Tapos nagbukas ako sa Recto. Siguro two years after. Pagkatapos, okay pala ‘no? So nagbukas naman ako sa Cubao. Tapos dumami na. Susmaryosep. Basta as time goes on, just open. Period.

 


 

 

Ngayon mga anak at apo na ninyo ang nagpapatakbo ng business.

Yes. Ibang-iba ang gusto nila ngayon kesa ang gusto ko nung araw. Iba. Tayo gusto natin, simple.

 

 

Saan po ninyo ginagastos yung kita ninyo noon?

Wala. Ipon lang ako nang ipon. Tapos bibili ako ng lupa. Tapos nagbubukas ako ng branch. Malaki din ang puhunan. Papagawa mo yung pwesto mo. Bibili ka ng lamesa panglagay ng mga display. Mahal din.

 

 

Magkano puhunan niyo nung unang branch?

Konti lang. Maliit lang. Siguro mga Php200.*

 

 

Php200 lang?!

Aba, nung panahon na yun, Php2 is to $1. Magkano na ba ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

Mga Php50 po per $1

Kita mo na

 

 

Bumibisita pa ba kayo sa mga stores ninyo?

Aba syempre. Paminsan-minsan.

 

 

Ano pong sinasabi ninyo sa employees pag bumibisita kayo?

“Kamusta ka? Anong problema natin? Anong gusto ninyong merienda?”

 

 

Binibilhan ninyo sila ng merienda?

Aba syempre. PR. Ano ba naman yung merienda? Magkano gagastusin mo? Pero matutuwa sila pag nandun ka kasi may pagkain.

 

 

Nagpapa-picture din sila sa inyo?

Syempre. Nag-uunahan pa sila. Hindi sila nahihiya sa akin. Kasi very friendly ako, maski na sino. Maski na janitor. Hindi nahihiya sa akin.

 


Tatay Jose and Nanay Coring with their children Fred, Ben, and Cecilia

 

 

Nagagalit po ba kayo?

Bihira. I try not to. Unless it’s a very serious offense. Para que? Magpapagalit ka sa sarili mo? O hala. (Laughs).

 

Ilang taon ka na?

 

 

I’m 37 po.

Ako 94 years old. And still standing. And still working.

 

 

You still work po?

Aba syempre. Dapat pakita mo sa tao malakas ka maski na hindi. It’s psychological.

 

 

San niyo po pala nakuha yung pangalan na National Book Store?

Dun sa National Cash Register (brand name of a cash dispensing machine). Nakita ko, National Cash Register, sabi ko, “ayun, ayun ayun!” Magandang pangalan yun. So naging National Book Store (Laughs). Wala e. Instant yun. Within one minute, ayun na.

 

 

San po yung pinaka-unang branch?

Sa Avenida, Rizal.

 

 

Andun pa rin?

Andun. Yung kanto doon.

 

 

Bumibisita pa kayo dun?

Aba syempre. Lahat yan binibisita ko pa. Tinitignan ko kung tama yung display. Papakita mo para alam nila, kelangan mabuti ang ating display kasi mamaya dadating si SCR.

 

 

SCR tawag nila sa inyo?

Oo.

 

 

Pati yung mga nasa probinsya na branch binibisita ninyo?

Once in a while. I’ll go to Cebu or Davao. Para ika nga, pulis ka minsan. Alam mo kung anong ginagawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

 

 

 

Ano pong pinaka-importanteng lesson na dapat matutunan ng mga bagong employee?

Public Relations. Yung pakikisama sa tao. Maski na customer pakikisamahan mo. Importante yun. Kasi kung mabuti ka sa kanila, babalik ulit sa 'yo. Ang kailangan ay babalik sila sa 'yo. Hindi lang ngayon, bukas, sa makalawa.

 

 

Wala bang kumpanya na gustong bilhin yung National Book Store dati?

Ayoko magbenta. Kasi nobody will help you except yourself.

 

 

E yung gusto po mag-franchise?

Meron. Pero mahirap e. Hindi ako marunong nun. English yun e. (Giggles). Ano ba yung franchise? You know, mabuti na yung hindi ka papasok sa hindi mo alam. So kung gusto mo ng branch doon (sa lugar na yun), magbukas ka ng branch dun. Kaya mo naman e. Iba na yung ikaw.

 

 

Ano pa pong gusto ninyong mangyari sa National Book Store. May mga dreams pa po ba kayo?

Ako ngayon wala na. Gusto ko magpahinga lang. Pero National will stand on its own feet. Kasi may puhunan na. Yung mga anak at apo ko mabuti naman at interesado. At least may mag-aasikaso. Importante may mag-aasikaso, na magta-trabaho din yung susunod sa ‘yo. Kung hindi, balewala.

 

 

 

*If placed in a savings deposits account after the Second World War, Php200 would be worth only about Php6,300 in 2017. That National Bookstore is probably worth millions if not billions of pesos today underscores the greater potential of entrepreneurship to create value compared to mere passive savings in a bank.

 

 

*****

 

 

Paul John Caña is the managing editor of Entrepreneur PH

Latest Articles

Close